Saturday, November 21, 2009

Satellites and Astronauts

November 18: Nagsimula ang araw na gaya ng dati, mukhang ordinaryong araw lang, yun pala eh makaka experience ako ng malufet sa MRT.

Hinabol ko yun nagskip na train, para maluwag. Madalas kasi mga 6.30 or 6.45 dumadaan yun. May dumaan na, kaso puno. Susunod na yung maluwag sabi ko sa sarili ko. Buti na lang may mga nakapasok kaya napunta ko sa gawing harap ng linya, dun sa may yellow tiles. Ang init. Nagpapaypay ako gamit yun damit ko habang paulit-ulit yung recording sa background na "Attention all passengers: For your safety, please do not step on the yellow platform edge." Antagal ng next train. Kaya siguro paulit-ulit yung recording para mainis na lang yung mga tao dun sa babae sa recording kesa dun sa matagal na train.

At dumating na nga siya. Nakapwesto na lahat at naka ready para sa magaganap na madugong tulakan, parang mga nagrarally sa Mendiola. Maluwag. Biglang tumalon yung puso ko sa galak. Ang ganda ng tingin ko sa train na yun. Para siyang Polar Express. Pagbukas ng pinto, tulakan na. Parang tubig sa lababo na natanggalan ng bara. Nakapwesto ako ng maganda sa gitna, tapat nung malamig na hangin. Ready to go na ko. Planado na kakain ako sa pantry pagdating ko ng office.

Tumunog na yung warning buzzer at sumara na yung pinto. Sabay bukas. Sinubukan ulit isara nun driver, ayaw na. Potah. Lecheng mga pasaway, pinilit kasing buksan yung pinto eh pasara na nga. Sabay patay ng aircon. Takte talaga. At ang pinakahihintay ng lahat, nagsalita na yung driver "Unload passenger na po tayo". Wow. Basag trip si manong driver. Ang ingay pa nung isang manong sa may gitnang pinto. "Dapat talaga di na natin binoto si Arroyo eh, kurakot lang. Pati yang si Villar, sabi nya dadamayan nya tayo sa hirap. Nasan siya ngayon?". Heavy pare. Nakatira yata ng sunog na gulong to. Pinapaswitan na nga siya nung mga tao at sinasabihang ang ingay nya, tuloy parin sa litanya nya.

"Nasan na si Villar?"
"Nasa likod mo!"
"Aba, nag reresponse na kayo ngayon ah!"
"Ingay mo eh"
"Wag nyu pigilan kasi, masakit yan sa puson"

"Pakiusap po sa mga pasahero, unload passenger na po tayo. Hindi na po ito magsasakay."
Sabay pasok ng mga guard, pinapalabas na yung mga pasahero. May nakahintong train na sa likod. May mga matigas ulo, ayaw lumabas. Kasama nako dun wahaha. Eh pano ka ba naman lalabas, nakaharang lahat sila sa pinto. Para nga naman pagdating nun susunod na train, mauuna sila. Wala na kami lalabasan. Ayaw matinag nung mga buwitre. Sige, dito na lang kami sa loob, ayaw nila umasog eh. Nagiinit na din ulo nung mga guard kasi matigas ulo nung mga tao sa loob, kasama na ko (haha!). Pakiramdam ko pa nga eh magkakariot. Tingin ko eh para kaming mga preso na pupuga.

At ayun, sinara na yung pinto at umandar na yung train. Pero may problema padin sa pinto kaya pinaalalahanan nun driver na wag kami lalapit. Deretso Shaw Blvd na siya para ma-repair. Badtrip, late na naman ako. Pagbaba ng Shaw, andaming tao. Naisip ko mag-bus na lang kasi nasa crossing narin naman. Kongting traffic na lang. Pero ewan ko ba, hinintay ko pa din yun padating na train. 5-10 minutes yata bago dumating. Here comes the pain again. Tulakan na naman. Buti na lang madaming bumaba. Naisip kong hintayin na lang yun next train. Buti naginarte yung isang babae at di pumasok. Nasingitan ko. GG. Nakatayo lang ako, sa isang iglap nasa loob narin ako. Asteg nga eh. No effort pumasok. Kala ko aabot nako sa office. Potek antagal padin sa Taft Ave. Ayun late ako ng walong minuto.

Tae talaga. Anong lesson ang natutunan ko dito? Pag nag-alarm na, bangon na. Wag na mag-snooze!

No comments:

Post a Comment